Menu

Emergency Hotline: 0912-670-7777

Philippine Standard Time:

Catanduanes Government


4-H Club

Pinangunahan ng 4-Club Catanduanes at Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) ang taunang Catanduanes 4-H Achievement Day and Team Building Activity na may temang “Love.Farm.Live 4-H Towards Farm Tourism”. Humigit kumulang 150 na 4-H Club members mula sa pitong munisipyo ang nakilahok at nagtagisan ng galing sa iba’t ibang paligsahan.

Itinanghal na over-all champion ang Viga 4-H Club matapos tumala ng pinakamataas na puntos. Bato naman ang nagkamit ng ikalawang pwesto at Virac bilang ikatlo. Kabilang din ang Gigmoto, San Miguel, Baras at Pandan sa pagtitipon ng 4-Hers.

Pinaibig naman ng nagagandahang mga kandidata ang mga kalahok sa ginanap na Search for Ms. Catanduanes 4-H Farm Tourism 2018. Sinagot nila sa question and answer ang mga tanong kaugnay sa Farm Tourism. Kinoronahan si Bb. Charmane Lacanlale, Gigmoto 4-Her bilang Ms. Farm Tourism 2018.

Tampok din sa ikalawang araw ang Team Building Activity at lectures na mas nagpalalim pa sa pag-uunawa ng mga kabataang 4-Club Members sa larangan ng agrikultura at farm tourism.

‘‘Actually yung nawitness na 4-H it’s just the tip of the iceberg kasi yung farm youth development program ang lawak ng scope niya. The goal of the program is to encourage more youth to be involved in farming. The number of youth/students nowadays show less interest and appreciation in farming. Professionals can also engage or use farming as an alternative to grow their vegetables in their backyards,’’paliwanag ni Bb. Mary Joy O. Balbin-Farm Youth Development Coordinator.

‘‘We also have scholarship programs and free trainings for out of school youth. We capacitate them in organic farming and swine raising through the Agricultural Training Institute (ATI),”dagdag pa niya.

Narito ang mga nanalo sa iba’t ibang patimpalak: Daniman R. Betchaida-Virac (Edible Dish Gardening), Sarah Mae Todoc-Viga (Extemporaneous Speaking), Jose Miguel Tendencia-Baras (Innovative Farm Tourism Layout Making), Archie Andrea Tejerero-Bato (Singing Contest), John Mark G. Tenoria-Viga (Plaque Making), Kywin Dela Cruz-Bato (Oyster Mushroon Food Processing and Packaging) at Airesh Shin Ruel-Pandan (Quiz Bee)

 

Inirepresenta ng mga nanalo ang Catanduanes sa kasalukayang Regional Level ng 4-H ngayong April 17-19 sa Labo, Camarines Norte.

Buo ang suporta ng Provincial Office of Catanduanes sa pamumuno ni Gob. Joseph Cua upang payabungin at paunlarin pa lalo ang inisyatiba sa agrikultura at kabataan ng 4-H Club Catanduanes.



Tags:

4-H Club Achievement Day Catanduanes Governor Joseph Cua HappyIsland Joseph Cua SulongCatandungan SulongPilipinas
This page is maintained by the Governor's Office - Information Unit