Menu

Emergency Hotline: 0912-670-7777

Philippine Standard Time:

Catanduanes Government

Ang mga Authorized Persons Outside Residence (APORs) mula sa National Government Agencies (NGAs) na may kumpletong travel documents ay papayagan nang makapasok sa probinsya kahit walang negative COVID-19 test result matapos pirmahan ni Governor Joseph C. Cua ang Executive Order (EO) No. 22 series of 2021 o ang “Adopting the Inter-agency Task Force (IATF) Resolution No. 118-A and Amending EO No. 14” nitong Martes, Hunyo 08, 2021.

Ang pag-amyenda ay nirekomenda ng Incident Management Team Governance Cluster sa tanggapan ng gobernador mula sa napag-usapan sa pulong noong Mayo 21, kung saan tinalakay rin ang IATF Resolution 98-A.

Ang nasabing IATF resolution ay nagbibigay exemption sa mga APOR mula sa NGAs na magsumite ng COVID-19 test result.

Ngunit ang mga private APORs, kabilang na ang Locally Stranded Individuals (LSI), ay kailangan pa ring magsumite ng orihinal at negatibong resulta ng kanilang COVID-19 test na valid lamang sa loob ng tatlong araw bago bumiyahe at kumpletuhin ang kaukulang dokumento para makapasok sa probinsya.

Samantala nakasaad din sa bagong EO na ang mga Returning Overseas Filipinos (ROFs) ay hindi na kailangan pang magprisenta ng COVID-19 test result kung sila ay bibiyahe sa loob ng tatlong araw papunta sa probinsya dahil ang kanilang sertipiko galing sa  Bureau of Quarantine ay mayroon ng RT-PCR test result.

Pero ang ROFs na hindi makakabiyahe sa loob ng tatlong araw ay ituturing ng LSI at kailangan ng magsumite ng orihinal na kopya ng negatibong COVID-19 test result.

Lahat na papasok sa probinsiya ay kailangan pa ring gumawa ng account o magparehistro sa Safe, Swift, and Smart Passage o S-PaSS Travel Management System para makakuha ng Travel Coordination Permit.

 

Memorandum No. 0139

Kasabay ng pag-amyenda ng EO ang pagpapalabas din ng Memorandum No. 0139 series of 2021 o ang Travel Guidelines para sa Non-Resident APORs.

Ang memorandum ay nagpapaalala sa mga APOR na mula sa NGAs na kailangan kumpleto ang travel documents gaya ng Valid Order/Mission Order, Company ID, at Date of Return.

Kapag hindi makapagpakita ng kaukulang dokumento ang isang APOR mula sa NGAs ay tatratuhin siya bilang LSI at kakailanganin nang magsumite ng negatibong resulta ng COVID-19 test.

Pumalo na sa 496 indibidwal ang tinamaan sa buong probinsya at 96 dito ay kabilang sa mga aktibong kaso ayon sa datos ng Department of Health -Bicol.

 

 



Tags:

This page is maintained by the Governor's Office - Information Unit