Menu

Emergency Hotline: 0912-670-7777

Philippine Standard Time:

Catanduanes Government

Sinulong ni Cong. Hector S. Sanchez ang pagpaunlad ng industriya ng abaca sa Catanduanes sa isang virtual hearing sa Senado kasama si Gov. Joseph C. Cua at ilang senador.

Ayon sa pulong, magtatayo raw ang Philippine Fiber Development Authority (PhilFIDA) ng isang abaca processing facility sa Caramoran sa halagang Php 20 million.

“Sayang ‘yung mga pinag-paguran ng mga farmers dun na ang Catanduanes, dahil binabagyo; we are producing world-class fiber. Sana po, the focus, not only on the planting, production, [but] the post-harvest facilities,” ani ni Cong. Sanchez kay Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform Chairman Sen. Cynthia Villar.

Hiniling din ni Cong. Sanchez na mabigyan ang probinsiya ng Php 121 million na tulong sa industriya na ipinangako nina Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go at Agriculture Sec. William Dar noong pagbisita nila sa Catanduanes matapos ang Bagyong Rolly.

“And sana po, I’m asking this [favor] na bigyan ng focus, ng atensyon, ang probinsiya namin. Tama po na may diseases dun, which is ‘yung bunchy top, which is, alam po natin, wala… may mga little amount na nakakarating sa probinsiya para sa diseases, sa curing of diseases,” dagdag ng solon.



Tags:

Boboy Cua Catanduanes Cua Gov. Joseph C. Cua Governor Joseph Cua Happy Island Hector Sanchez Joseph Cua
This page is maintained by the Governor's Office - Information Unit