Menu

Emergency Hotline: 0912-670-7777

Philippine Standard Time:

Catanduanes Government

Si Mang Reynaldo, isang sari-sari store owner ng Guinobatan, Bato ay nag-apply ngayon sa Congressional District Office upang makabili ng fridyider para sa kanyang tindahan at mga karagdagang paninda.

 

Isang milyong halaga ng loan ang itinalaga ni Congressman Hector Sanchez para sa micro and small enterprises (MSEs) gaya ng mga sari-sari store at maliliit na grocery na naapektuhan ng COVID-19.

Ito ay parte ng “COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) Program” na inilunsad ng Small Business Corporation (SBC) kasapi ang Department of Trade and Industry (DTI).

Sa ilalim ng loan na ito, pwede maka-utang ang mga micro and small enterprises ng Php 10,000 hanggang Php 100,000 sa zero percent interest na babayaran sa 18 o 30 na buwan. Mayroon ring anim na buwang grace period kung sakaling hindi makapagbayad sa oras ang mga business.

Dahil ine-endorse ito sa opisina ni Cong. Sanchez, mas mapapadali ang aplikasyon sa loan kumpara sa pagdaan ng CARES sa DTI.

Kinakailangan lamang ng mga sumusunod na dokumento upang makapag-apply:

  • Kumpletong application form
  • Government-issued ID na mayroong larawan
  • Permanenteng address ng negosyo
  • Tatlong litrato ng enterprise business’ signage at fixed assets (store outlet/production area, inventories, at equipment)
  • Barangay o municipal business permit (para sa utang na hindi lalampas sa Php 50,000)
  • DTI/SEC registration (para sa utang na aabot sa Php 50,000 – 100,000)

Hanggang Oktubre 5 na lamang ang panahon para sa nasabing aplikasyon.



Tags:

Boboy Cua Catanduanes Cua Gov. Joseph C. Cua Governor Joseph Cua Happy Island Hector Sanchez Joseph Cua MSEs
This page is maintained by the Governor's Office - Information Unit