Menu

Emergency Hotline: 0912-670-7777

Philippine Standard Time:

Catanduanes Government

           Ayon kay Congressman Hector Sanchez, prioridad umano ng kanyang opisina ang paghahanap at pagbibigay suporta para sa paghahanda ng mga paaralan sa Catanduanes para sa paparating na pagbubukas ng klase sa panahon ng pandemya.

            Ito ay matapos niyang pangasiwaan ang paglo-lobby sa Department of Education (Deped) ng kaukulang budget na nagkakahalagang P31 milyon, na ikinumpirma naman ng Deped sa pamamagitan ni Usec. Annalyn Sevilla.

Ang naturang P31,878,257 na ipinamahagi sa Catanduanes ay para sa mga self-learning modules (SLM) ng pampublikong elementarya (P22,978,509) at hayskul (P8,899,748) sa probinsya.

“I hope that through this funding we can help bridge the gap that our children, our students have to face in attaining quality education in this time of pandemic,” ani Cong. Sanchez.

Kwento ng kongresista na una siya umanong lumapit sa Deped upang makapadala ng proposal ukol sa pagkuha ng mga makinarya at suplays para sa paggawa ng mga self-learning modules.

Matatandaan noong Hulyo 8 sa ginanap na solidarity meeting ay isinangguni ni Schools Division Superintendent Danilo Despi ang concern sa kakulangan ng mga kagamitan ng lokal na Deped kay Cong. Sanchez.

Agad naman nitong inaksyunan ng kongresista sa pamamagitan ng pagsulat kay Deped Secretary Leonor Briones nitong nakaraan na Hulyo 27.



Tags:

This page is maintained by the Governor's Office - Information Unit