Menu

Emergency Hotline: 0912-670-7777

Philippine Standard Time:

Catanduanes Government



KAKANON KAN KAAKIAN.

Isa si Pao-pao, 4 sa naging benepisyaryo ng Feeding Program at Relief Pack & Hygiene Kit Distribution ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na isinagawa ngayong araw, Hulyo 15 sa Brgy. Obo, San Miguel.

Hindi na po-problemahin pa ng mga magulang ng preschoolers ng Brgy. Obo at Brgy. Mabato sa San Miguel ang pagkain ng kanilang pamilya sa mga susunod na araw dahil sa isinagawang Feeding Program at Food Pack & Hygiene Kit Distribution sa kanilang barangay ngayong araw, Hulyo 15.
Ayon kay Gng. Emma Rivera, residente ng Brgy. Obo, malaking tulong ang programang ito na inisyatibo ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ngayong nasa gitna tayo ng pandemiya.
“Dakol an natatabang kan satuyang gobyerno. Lalo na ngunyan na bawas ang sources nin income, andiyan na nakaalalay an pamahalaan,” wika ni Rivera nang iniabot sa kanya ang plastik na naglalaman ng limang kilong bigas at anim na pirasong egg noodles.
Sinang-ayunan naman ni Gng. Eduardo Tesorero, kapitan ng Brgy. Obo ang pahayag na ito ni Rivera.
“Magayon an programa na ini nin pamahalaan lalo na para sa mga aki ta may tyansa sinda na makua an nutrisyon na napagkait sainda dahil sa lockdown,” sinabi ni Kap. Tesorero.
Nagpahayag naman ng pasasalamat sa pamahalaan si Rivera dahil sa patuloy na pagbigay ng relief goods at iba pang asistensiya mula pa noong magpatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa isla.
“Bakong silang pabaya sa tawo. Patuloy man syempre ang pagtabang saato asin sa pagtao ng relief goods,” dagdag ni Rivera.
Binigyan diin naman ni Governor Joseph C. Cua ang pagsunod sa minimum health standards at ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga polisiya ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) Council sa mga barangay upang mapanatiling walang bagong kaso ng CoVid- 19 ang maitala sa bayan.
Ang nasabing programa ay naisakatuparan ng PSWDO sa pakikipagtulungan sa Provincial Nutrition Office at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng San Miguel bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-46 Nutrition Month ngayong buwan.
Ayon kay Ma. Rocella Taraya, head ng PSWDO, ang mainit na pagsuporta ng MSWDO ng San Miguel, at ang mataas na antas ng malnutrisyon sa San Miguel ang nag-udyok sa kanila na piliin ang mga Barangay ng Obo at Mabato.
Sa datos ng PSWDO, 13 porsyento ng kabataan na may edad lima pababa mula sa San Miguel ang underweight o severely underweight, ikatlo sa pinakamataas na porysento sa 11 na bayan ng Catanduanes.
Dinagdag ni Taraya na maliban sa nasabing feeding program at relief distribution, patuloy pa rin ang buwanang supplemental feeding program ng sangay, isang long-term measure upang makatulong sa pagpuksa ng malnutrisyon sa bayan.



Tags:

This page is maintained by the Governor's Office - Information Unit