Menu

Emergency Hotline: 0912-670-7777

Philippine Standard Time:

Catanduanes Government

SOLID WASTE PREP. Sa pangunguna ni Governor Joseph C. Cua, inilatag ng bawat mayor ang kani-kanilang update at problemang kanilang kinakaharap ukol sa solid waste management.

Bilang Chairperson ng Provincial Solid Waste Management Board (PSWMB), pinangunahan ni Governor Joseph C. Cua ang isinagawang Second Quarter Meeting ng Solid Waste Management Board nitong June 25, 2020 sa Governor’s Office, Conference Room.
Pangunahing agenda ng naturang pulong ang pag-update ng bawat munisipyo sa kani-kanilang plano ukol sa solid waste management (SWM).
Napag-alaman na ang bawat munisipyo ay may kinakaharap na problema ukol dito.
Pangunahing problema ay ang paghahanap ng bawat munisipyo ng kanilang magiging bagong sanitary landfill partikular na sa mga bayan ng Virac, San Miguel, San Andres, Caramoran at ng Viga. Sanhi sa nalalapit na closure ng kani-kanilang kasalukuyang ginagamit na dumpsite o denial ng Environmental Management Bureau (EBM) ng kani-kanilang prinisentang site para sa panibagong dumpsite.
Sa kabila nito, may mga magagandang update naman ang ibang mayor ukol sa kanilang solid waste management, tulad ng San Miguel, Gigmoto at ng Viga na nagagawa nilang organic fertilizer ang mga biodegradable waste gamit ang kanilang shredder.
Samantalang may plano namang bumili ang Bato ng shredder at ang pagkakaroon ng istriktong implementasyon ng waste segregation.
Matapos maibigay ng bawat mayor ang kanilang update, prinesenta naman ni Mr. Marionito Donato, Chairperson ng Technical Working Board (TWB) ang plano ng probinsya ukol sa solid waste management.
Naging suhestiyon niya ang pagkakaroon ng dalawang araw na workshop ukol sa drafting ng plano na may paggabay ng EMB, Department of Environment and Natural Resources (DENR) Technical persons, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at ng Municipal Planning and Development Councils (MPDCs).
Ayon pa kay Mr. Donato, mas magiging mainam umanong mai-consolidate ang bawat SWM Plan ng 11 munisipyo upang magkaroon ng alignment sa plano ng PSWMB.
Ayon naman kay Governor Cua, mas mainam umanong magkaroon na lamang ng clustering ang bawat munisipyo sa gagawing panibagong sanitary dumpsite.
Sinang-ayunan naman ito ni Rev. Fr. Dela Rosa ang naging suhestiyong ito ng gobernador, sa pagkakaroon ng clustering ng dumpsite ang bawat munisipyo. Aniya “(It’s) better to have clusterized sanitary landfill among municipalities, (it’s) favorable”.
Dagdag naman ni Mr. Donato, ayos lamang umano ang clustering dahil sinasang-ayunan naman umano ito sa RA 9003 o kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.



Tags:

Catanduanes Governor Joseph Cua GovernorJosephCua HappyIsland Joseph Cua
This page is maintained by the Governor's Office - Information Unit