Menu

Emergency Hotline: 0912-670-7777

Philippine Standard Time:

Catanduanes Government

Sa kabila ng pandemiya, bubuhos pa rin ang tulong ng pamahalaan upang maitaguyod ang edukasyon ng mga Catandunganon, ito ang pahayag ni Gov. Joseph C. Cua sa bagong sistema ng edukasyong babati sa mga estudyante’t guro ngayong ika-5 ng Oktubre, 2020.

Bilang augmentasyon sa mga equipment na kakailanganin para sa pag-imprinta ng modules, nakatakdang magbigay ng mga kagamitan na may kabuuang P8 milyon ang lokal na pamahalaan sa Department of Education (DepEd) – Catanduanes.

Magbibigay ng 25 na yunit risograph, o photocopy machines na nagkakahalagang P180,000 ang isa at nagkakahalagang P4.5 milyon sa kabuuan.

Labing-anim na laptops na nakatakdang ihandog sa mga guro ang ibibigay. Aabot ang kabuuang halaga nito sa P960,000. May limang PC sets rin na may halagang nasa P300,000 ang ibibigay ng pamahalaan.

May kabuuang halaga namang sobra sa P750,000 ang mga apat na projector at 21 na mga telebisyon. Ito ay magagamit sa radio and televised learning ng mga estudyante.

Bilang karagdagang equipment sa paggawa ng mga modules, may printers, at ink na may kabuaang nasa P300,000 ang nakatakdang ihandog sa DepEd.

Maliban sa mga ito, sinabi rin ni Cua na bukas ang kaniyang opisina para sa mga paaralan at mga guro na nais humingi ng tulong o asistensiya.

Ipinaliwanag din niya na naiintindihan niya ang sitwasyon ng mga guro ngayon kaya sana’y makatulong nang husto sa kanilang trabaho ang mga kagamitang ibibigay sa Kagawaran.

“Aram ko an yaagihan ngunyan na kadefisilan kan satuyang mga teachers. Lugod an satuyang programa na ini makatao nin diit na tuwang sa sainda,” wika ni Cua.

Dagdag pa ng goberndador na buo ang kanyang saludo sa mga guro ng Catanduanes sa kanilang ipinakitang pagpupursige ngayong mayroong bagong sistema ng edukasyon.

Naglaan din si Cong. Hector Sanchez ng tulong sa Dibisyon ng Catanduanes para makakuha ng pondong nagkahahalagang P30 milyon upang makatulong sa pagpapabilis ng pag-imprenta ng mga modules.

Samantala, nakikita naman bilang malaking tulong ang mga kagamitang bigay ng lokal na pamahalaan para sa mga guro.

Ayon kay Ruel Fernandez, guro mula Catanduanes National High School, mas mapapabilis ang pag-imprenta ng mga modules na ipamimigay sa mga estudyante.

“Makatabang an para mas mapadali ang printing nin mga masunod na modules sa ibang quarters,” wika ni Fernandez.

Ibinahagi niya na nagkaniya-kaniya muna ang ibang guro sa pag-imprenta at pagbuo ng mga modules kaya makatutulong ang mga kagamitang ito upang hindi na bumunot sa kani-kanilang mga bulsa ang mga guro.

“Nagkaniya-kaniya ang ibang teachers nin print, sadiling printer, minsan sadili pang coupon bond and ink. May share man an school and may nakuha man sindang donasyon. ‘Yan na mga maabot na bagong kagamitan, mapapakinabangan an nin dakula,” pahayag ng guro.

Hiniling naman ni Fernandez na sana’y magkaroon ng monthly allowance ang mga guro bilang pambayad nila sa internet. Ayon sa kaniya, sa halip na magbigay ng chalk allowance na P3500, gawin na lamang itong buwanan sa mas mababang halaga.

“Kung pupuwede sana ay dagdagan ang ‘chalk allowance’ at gawin itong monthly na lamang. I think it’s about time isipin naman ng gobyerno na malaking bahagi ng sahod ng mga guro ang napupunta lang naman sa pangangailangan sa klase,” mungkahi ng guro.



Tags:

This page is maintained by the Governor's Office - Information Unit