Menu

Emergency Hotline: 0912-670-7777

Philippine Standard Time:

Catanduanes Government

Sa panguguna ni Gobernador Joseph C. Cua, pinag-usapan ang sitwasyon ng mga kumpirmadong kaso, seguridad sa isla at pang usaping may kinalaman sa COVID nitong ika-24 ng Hunyo, 2020 sa Governor’s Conference Room.

“Focus po tayo sa prevention, focus sa coordination kase ‘yung mechanism is in place na, ‘yung coordination na lang ang ‘di napi-perfect”. Ito ang suhestiyon ni Dr. Angel Lamban ng Bato Maternity and Childrens Hospital sa isinagawang Provincial Joint Task Force Against COVID-19 nitong ika-24 ng Hunyo, 2020 sa Governor’s Conference Room.
Sa pagpupulong, binigyang diin ang update sa sitwasyon ng COVID-19 sa isla, pag-rebyu sa Institutional and Operational Framework at ilan pang mga dapat pag-usapan sa ilalim ng isyung pangkalusugan sa probinsiya.
Kinumpirma rin ni Dra. Franchette Amabella DP Panti, Provincial Health Office (PHO), na positibo sa virus sina Patient 82 ng San Miguel, Patient 83 ng San Andres, at Patient 87, mula naman sa Bagamanoc at pare-parehong Returning Overseas Filipinos (ROFs) na umuwi ng isla ngayong buwan.
Mula sa ibinigay na datos ng PHO, sa 85 na nakasalamuha nin Patient 82, anim ay close contacts, 177 naman kay Patient 83 at 17 ang contacts, samantalang isa naman ang kay Patient 87.
Habang, sa iprinisentang update ni Dr. Panti, ang tatlong kumpirmadong kaso ay kasalukuyang nasa kani-kanilang facility at patuloy na imo-monitor.
Na-aprubahan naman ng Board na maaring gamiting holding area para sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs) at ROFs ang San Andres Central Elementary School Gymnasium para sa mga uuwing nagmula sa San Andres, Caramoran, at Pandan. Samantalang ang Virac Sports Center naman para sa mga taga-Virac, Bato, San Miguel, Baras, Viga, Gigmoto, Panganiban at Bagamanoc.
Binuksan din ni Department of Interior and Local Government Provincial Director (DILG) Uldarico Razal Jr., ang isyu ng pinaghihinalaang sindikato na gumagawa ng Medical Certificate Clearance at Travel Authority ng mga gustong makauwi sa isla.
Ayon sa kaniya, mula Naga ay kailangang magbayad ng 5,000 pesos na halaga upang magawan ng papeles na kinakailangan para makapasok sa isla.
“I-contact ang LGU Tabaco na ‘wag magpapapasok kung ‘di sigurado ang documents in Bicol area na pinanggalingan,” suhestiyon ni Dra. Panti.

Kung kaya, napag-usapan sa pulong ang pagpapatibay sa seguridad ng mga papapasok sa isla upang masigurong walang makalulusot na hindi naberipikang dokumento mula sa Tabaco.
“Lahat ng suggested ay i-put into writing para makabuo ng isang malinaw na Guidelines,” ani Razal.
Sa pagtatapos, suhestiyon ni Gobernador Joseph C. Cua ang pagpapalagay ng Information Board sa Tabaco para sa kaalaman ng bawat Catandunganon na na uuwi sa isla.



Tags:

Catanduanes Governor Joseph Cua GovernorJosephCua HappyIsland JosephCua
This page is maintained by the Governor's Office - Information Unit