Menu

Emergency Hotline: 0912-670-7777

Philippine Standard Time:

Catanduanes Government

Handa na sa paglalayag.

Malugod na tinanggap ng mga benipisyaryo ng DOLE Pagkabuhayan Starter Kit sa bayan ng Bagamanoc ang kanilang bagong fiber glass na bangka na makapagbibigay ng malaking tulong sa kanilang pangkabuhayan.

 

“Nagkaroon tayo ng kabuhayan dahil sa magayon na pag-iba-iba ni gobernador at tyaka ni Congressman Sanchez”, ito ang naging pahayag ni Mayor Remegio B. Villaluna, matapos magbigay ng pambungad na pananalita sa katatapos pa lamang na DOLE Kabuhayan Starter Kits Awarding nitong July 10, sa Bagamanoc Municipal Plaza.

Sa naturang pagtitipon nabigyan ng ilang bangka, pedicab at ilang beauty kits ang mga benipisyaryo dahil sa naging pagtutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Congressional District Office at ng Provincial Local Government Unit (PLGU).

Malaki umanong magiging tulong nito sa mga taga-Bagamanoc ayon kay Mayor Villaluna, kaya naman malaki ang kaniyang pasasalamat sa gobernador, congressman at sa DOLE.

“Syempre sila ang nagfa-ficilitate nito para tayo ay mabigyan ng Department of Labor and Employment ng ganitong klaseng kabuhayan, na ganitong klaseng mga gamit sa ating paghanap-buhay”, pagdaragdag niya.

Ayon naman kay Congressman Hector S. Sanchez, panimula pa lamang umano ang tulong na ito.

“Pasimula lamang yan, malay mo sa susunod igwa na kita ning mga mother vessels, na yun mismo ang mabakal ning sila”, ayon sa kanya.

“Saro tabi yan na proyekto kan DOLE, na sa panahon tabi kan pandemic, sinisiguro kan satuyang Pangulong Duterte na maidugtong-dugtong ang satuyang pang-arualdaw na pangangaipo”, pagdaragdag niya.

Binigyang diin naman ni Governor Joseph C. Cua na ang kanilang binibigay na tulong ay tulong para sa kanilang pagkabuhayan.

“Kung matabang kami, bako sana para sa sarong aldaw. Kundi, kung matabang kami sa bilog na kabuhayan ta”, ayon sa gobernador.

Sa kabilang banda, hindi lamang sa Bagamanoc namahagi ang DOLE Kabuhayan Starter Kits, namahagi rin ang naturang programa sa mga benipisyaryo nito sa bayan ng Bato noong July 13.



Tags:

Boboy Cua Catanduanes Cua Gov. Joseph C. Cua Governor Joseph Cua Happy Island Hector Sanchez Joseph Cua
This page is maintained by the Governor's Office - Information Unit