Menu

Emergency Hotline: 0912-670-7777

Philippine Standard Time:

Catanduanes Government

Tinalakay sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Catanduanes ang planong pagkakaroon ng sariling blood bank sa lalawigan batay sa inihain na resolusyon ni PBM Santos V. Zafe nitong Lunes, Hunyo 22, 2021.

 

Sa pagdinig, suportado ng Department of Health (DOH) – Bicol ang planong ito, at handa umano silang magbigay ng technical assistance.

 

Ayon kay Maita M. Mortega, representative ng DOH-Bicol at kasalukuyang coordinator ng National Voluntary Blood Services Program (NVBSP) na ikinalulugod ng kanilang ahensya sa pamumuno ni Dr. Ernie V. Vera ang planong ito, at hinimok ang mga opisyal ng lalawigan na suportahan ito.

 

“It entails support from the province… since hospital-based siya. For the minimum requirements po [sa pagkakaroon] ng hospital blood bank, [ang kailangan ay] 1 pathologist, 9 medical technologists, 2 phlebotomists, and 1 registered nurse,” saad ni Mortega.

 

Ang pagkakaroon ng sariling blood bank sa isla ayon kay Mortega ay malaking tulong dahil ang mga sample ng mga nakokolektang dugo sa isla ay hindi na kinakailangang ipadala sa mainland Bicol para masuri.

 

Ito ay magpapabilis ng proseso sa pagsalin ng dugo sa mga nangangailangang pasyente sa lalawigan, dagdag pa aniya.

 

Sa katunayan, nabanggit sa pagdinig ang pagkamatay ng isang nanganak na buntis na dumaan sa caesarean section sa isla dahil naantala umano ng halos isang araw ang pagdating ng dugo mula sa Legazpi City.

 

Ayon sa isang PBM maiiwasan ang ganitong insidente kung ang screening ng dugo ay mismong gagawin na sa isla sa tulong ng hospital-based blood bank o blood service facility.

 

Binigyang-diin naman ni Dr. Vietrez  Abella, EBMC chief, ang pagsusuri sa mga dugong nakokolekta bago ito isalin sa isang pasyente ay mahalaga. Sapagkat mayroong mga sakit na maaaring maipasa kung hindi ito isusuri kagaya na lamang ng Human Immunodeficiency Virus (HIV), Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS), Hepatitis, Malaria, at marami pang iba.

 

Workforce

Iminungkahi ng NVBSP coordinator sa pagdinig na mas maganda kung magkakaroon ng consultation meetings sa pagitan ng Eastern Bicol Medical Center (EBMC), at mga opisyal ng lalawigan para pag-usapan ang tungkol sa imbentaryo at karagdagang empleyado.

 

Ngunit ayon kay Dr. Abella na kung puwede ay huwag nang idagdag sa hospital ang naturang plano dahil marami na umano silang problema na kinakaharap, bagkus ay iminungkahi niya na gumawa na lang ng isang proyekto na popondohan ng provincial government.

 

“Kasi po, madali magstart-up, [ang] mahirap ‘yung magmaintain,” dagdag ng EBMC chief.

 

Sa ngayon, pito lamang ang regular na medical technologist sa kanilang hospital, at kung tutuusin dapat umano 40 ang kinakailangan para magampanan ang kanilang serbisyo. Sa katunayan, may panukala na rin ang hospital na magbukas ng posisyon ngunit kulang talaga ang medical technologist sa isla.

 

Tanong naman ni PBM Giovanni Balmadrid sa pagdinig ay kung bakit daw kinakailangan ang madaming medical technologist sa blood bank na kung puwede naman kahit dalawa lang.

 

Tugon naman ni Dr. Robert John Aquino, provincial DOH officer na ito ang minimum requirement na itinakda ng national government ngunit puwede naman makiusap kung kinakailangan.

 

“Siguro let us write a letter na lang sa licensing department [of national government] to consider [the suggestion], and provided also the explanations,” mungkahi ni Dr. Aquino.

 

Paliwanag naman ni Josefina Reyes, isa sa mga medical technologist ng EBMC na hindi maaring dalawa lang. Kailangan umano masunod ang minimum requirements dahil may iba’t ibang tungkulin ang bawat isa. May nakatalaga sa koleksyon, pagpoproseso, at distribusyon ng dugo na kailangan suriin.

 

Dahil sa huli, ang DOH Central Office lang naman ang tanging ahensya na susuri para maaprubahan ang proposal.

 

Institutionalizing Blood Donation

Samantala, kasabay rin sa pagdinig ang panukala ni PBM Zafe sa pag-institutionalize ng blood donation program sa probinsiya ngunit ayon kay Dr. Abella mula pa noong 2011 hanggang bago ang COVID-19 pandemic ay mayroon ng regular blood donations na isinasagawa sa mga munisipyo.

 

Ayon sa datos ng NVBSP ng DOH Central Office noong 2020, bumaba nang 1,041,037 bags o 22 porsiyento ang suplay ng dugo na kanilang nakolekta kompara sa mga nagdaang taon.

Samantala, kung maisasakatuparan ang naturang blood bank, Catanduanes ang tanging isla-probinsiya sa Bicol na magkakaroon ng sariling blood bank na may kapasidad sumuri ng dugo.

 

Sa ngayon, BRDC sa Albay, at Bicol Medical Center sa Camarines Sur ang tanging may



Tags:

This page is maintained by the Governor's Office - Information Unit