Menu

Emergency Hotline: 0912-670-7777

Philippine Standard Time:

Catanduanes Government

Nakatanggap ng relief goods at gasolina mula sa lokal na gobyerno at Talino at Galing ng Pinoy (TGP Partylist) ang PAITTODA drivers nitong biyernes sa Antipolo, Virac.

 

“Kamo apektado, kami apektado man, gabos man kita apektado,” ito ang malinaw na pagkakasabi ni Gobernador Joseph C. Cua sa kaniyang mensahe sa mga apektadong tricycle drivers ng Pajo, Antipolo, Igang, Talisoy Tricycle Operators and Drivers’ Association (PAITTODA) nitong biyernes sa Antipolo, Virac, bago ipamahagi ang tiglilimang kilos ng bigas, anim na plastik ng instant  pansit canton noodles at gasolina mula naman sa Talino at Galing ng Pilipino Partylist (TGP Partylist).

Sa ginawang aktibidad, kasama ng Gobernador si TGP Representative, Roderick Tapel,  Konsehal Juan Paolo Sales at Konsehala Karen Sebastian ng Virac.

Nabanggit din sa munting pagpupulong ang pag-reorganisa ng Committee on Transportation sa pangunguna na ni Konsehala Karen Sebastian.

Ayon sa mga drivers, ang taunang pagbibigay ni Gobernador ng tulong sa PAITTODA ay nagsimula pa noong 2004, bago pa man siya naupo bilang Gobernador ng isla.

“Aram ko na gabos kita apektado kan pandemya, pero hopefully sana sa December makauru-ogma na kita,” pagbibigay pag-asa ni Gobernador sa mga tricycle drivers.

“Maogma ako ta sa panahon nin pandemya, adiyan pirmi si Gob para samo,” pasasalamat ni Randy Aguilar, tricycle driver, sa hindi matawarang tulong ng Gobernador sa kanila.



Tags:

Boboy Cua Catanduanes Cua Gov. Joseph C. Cua Governor Joseph Cua Happy Island Joseph Cua PAITTODA
This page is maintained by the Governor's Office - Information Unit