Menu

Emergency Hotline: 0912-670-7777

Philippine Standard Time:

Catanduanes Government

Upang mas mapabilis ang pagpapalabas ng P121 million abaca rehabilitation fund na ipinangako ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, binigyang diin ni Provincial Philippine Fiber Development Authority (PhilFIDA) officer, Roberto Lusuegro na dapat magtulungan ang mga lokal na opisyal ng lalawigan sa pagfollow-up ng nasambit na pondo.

 

“Ang importante magtalabang sinda, congressman, provincial government maski ngani siguro league of mayors na magsurat na (ng letter) kay Sec. Dar para ma-expedite ang pagrelease ning pondo,” sambit ni Lusuegro sa isang panayam.

 

Matatandaang nitong Pebrero 2021, una nang nagfollow-up sa nasambit na pondo sina Governor Joseph C. Cua at Congressman Hector S. Sanchez nang dumalo sila sa virtual public hearing ng Senate Bill 1798 ni Senator Cynthia Villar na magtatalaga sa Catanduanes bilang ‘Abaca Capital’ ng bansa.

 

“Apektado ang ekonomiya namin plus pandemic, kaya… ‘yung (121 million pondo) ang inaantay namin. Malaking bagay sa amin ‘yung cash-for-work dahil walang hanapbuhay ‘yung mga farmer ngayon,” sambit ni Gov. Cua sa nasabing pagdinig.

 

Nakikiusap din ang PhilFIDA chief kay Sec. Dar na sana bago matapos ang taon ay maipaabot na ang pondo sa mga abaca farmer ng lalawigan na lubhang naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo noong 2020 partikular ng bagyong Rolly.

 

“Sana ngunyan na taon ma-release na, marealize na tanganing matabangan naman so mga palahag-ot nita, ” saad ni Lusuegro.

 

Sa ngayon, ang lalawigan ay may 13,975 abaca farmers mula sa 233 barangays ng 11 nitong munisipyo.

 

Bumabang produksyon

Samantala, umabot lamang sa 18,000 metric tons sa taong 2020 ang abaca production ng lalawigan. Mas mababa ito ng 16.68 % o katumbas ng 3,604.67 metric tons kung ikukumpara noong 2019 na umabot sa 21,608.08 metric tons ayon sa datos ng PhilFIDA central office.

 

Kaya naman ayon kay Lusuegro, ang pondong ibibigay ng DA ay malaking tulong sa pagbangon ng industriya dahil ito ay maaaring gamitin sa cash-for-work program.

 

Ayon kay Governor Cua, kung sakaling maisakatuparan ang programa, doble ang benepisyong maibibigay nito.

 

“Dahil ang purpose ng cash-for-work, double purpose. Para sa time na walang abaca sa Catanduanes, nag-ca-cash for work tayo to replant the abaca, may income na sila. May personal income and then at the same time, naapura ‘yung pagrehab ng abaca ng Catanduanes, ” paliwanag ng gobernador.

 

Mahigit 121 million pesos

Samantala, ibinahagi ni Lusuegro na mahigit P121 million ang pondong inaasahan ng kanilang opisina para sa rehabilitasyon ng abaca.

 

Magbibigay din ng karagdagang P8 million ang opisina ni Congressman Sanchez, ilalaan para sa administrative cost.

 

Ang 121 million naman ay magmumula mismo sa DA na ilalaan lahat sa rehabilitasyon ng abaca.

 

“P129 million talaga ito, kasi ‘yung P8 million ay admin cost, ‘yung P121 million is purely for abaca rehab. ‘Yung admin cost mga gagastuson (sa) travel ning mga empleyado, mga gamit, coupon bond…,” pagtatapos ng Provincial PhilFIDA chief.



Tags:

This page is maintained by the Governor's Office - Information Unit