Menu

Emergency Hotline: 0912-670-7777

Philippine Standard Time:

Catanduanes Government

HINDI TUGMA. Ayon kay Dr. Hazel Palmes ng Provincial Health Office (PHO) hindi makumkumpirmang local transmission ang pagkakahawa ni Patient 288 kay Patient 245 dahil hindi ito tugma sa depinisyon ng local transmission na inilabas ng Department of Health (DOH).

 

Walang local transmission ng COVID-19 sa lalawigan ng Catanduanes, ito ang nilinaw ng Provincial Health Office (PHO) sa biglaang pagpupulong ng mga miyembro ng Provincial Interagency Task Force (IATF) kahapon, Hulyo 22.

 

Ayon kay Dr. Hazel Palmes, hindi tugma ang depinisyon ng Department of Health (DOH) sa local transmission at ang pagkakahawa ni Patient 288 kay Patient 245 kaya hindi maikukupirmang local transmission ang naitalang kaso.

 

Base sa depinisyon ng DOH, ang local transmission ay ang pagkatala ng dalawa o higit pang kaso ng COVID-19 sa magkakalapit na lugar; maari itong sa mga bahay-bahay o quarantine facility sa loob ng 14 araw.

 

Matatandaang close contact si Patient 288 ni Patient 245, isang LSI galing Silang, Cavite at nakumpirmang positibo sa COVID-19 noong Hulyo 15. Si Patient 288 naman ay nag-positibo sa nasabing sakit noong Hulyo 21 lamang.

 

Ang dalawa ay magkasama sa iisang boarding house sa Brgy. Calatagan, Virac kaya hindi masasabing local transmission ang pagkakahawa ni Patient 288 kay 245.

 

“Since Patient 245 and Patient 288 came from the same housing unit, hindi dalawa, we cannot confirm that there is local transmission,” paliwanag ni Dr. Palmes.

 

Samantala, hindi rin maaring magpatupad ng lockdown sa Brgy. Calatagan dahil nasa iisang bahay lamang nakatira ang dalawang nakumpirmang kaso. Upang maisalilalim ang barangay sa lockdown, kailangan munang magtala ng dalawa o higit pang postibong kaso mula sa dalawa o higit pang kabahayan.

 

Sa ngayon, wala munang pwedeng pumasok at lumabas sa boarding house na tinutuluyan ng dalawa.

 

Sa kabuuan, 15 kaso na ng COVID-19 ang naitatala sa lalawigan; 8 dito ay nakumpirmang recovered at 7 naman ang active cases.

 



Tags:

This page is maintained by the Governor's Office - Information Unit