Menu

Emergency Hotline: 0912-670-7777

Philippine Standard Time:

Catanduanes Government

WALANG IWANAN.

Isa ang lolang ito sa mga persons with disabilities (PWDs) na naging benepisyaryo ng food packs na ipinamahagi ng Provicial Social Welfare and Development Office ng Catanduanes bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week ngayong ika-5 ng Agosto sa bayan ng Baras.

Kahit ngayong panahon ng pandemiya, iparamdam natin sa ating persons with disabilities (PWDs) na hindi sila naiiwan, ito ang naging panawagan ni Provincial Social Welfare and Development Head Ma. Rosella Taraya ngayong ipinagdiriwang ang National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week.

Bilang pagsalubong sa nasabing selebrasyon, namahagi ng food packs sa mga PWDs sa munisipyo ng Baras ang lokal na pamahalaan ng Catanduanes, sa pangunguna ni Gov. Joseph C. Cua at PSWDO.

May kabuuang bilang na 25 ang mga benepisyaryo ng food packs, lahat ng mga ito ay naitukoy na indigent PWDs ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Baras. May isa rin na PWD na nakatanggap ng wheelchair.

Dinagdag niya na pupuntahan ng PSWDO ang lahat ng munisipyo sa Catanduanes upang makapaghandog ng food packs at mga assistive devices. Sa katunayan, may kabuuang bilang na 14 na PWDs ang mabibigyan ng assistive devices tulad ng wheelchairs at walkers.

Maliban sa pamamahagi ng food packs, may plano rin ang PSWDO na magsagawa ng information drive sa mga PWDs ukol sa mga sakit na maari nilang makuha ngayong panahon ng COVID-19, at kung paano nila ito maiiwasan.

Ipinaliwanag ni Taraya na dapat sa ikalawang linggo ng Hulyo ito ipinagdiriwang, ngunit napilitan ang ahensiya na iurong ito dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng Catanduanes.

“Dapat last week pa ini, kaso since social gathering na naman, tig-realign nalang ‘yong funds as food packs na itao duman sa naidentify ng indigent PWDs,” wika ng PSWDO Head.

Bagama’t nahuli ang pagdiriwang, mapagpasalamat pa rin ang kanilang opisina dahil nakapamahagi pa rin sila ng konting tulong sa mga PWDs.

“Although nausog, at least na-celebrate and na-provide ‘yong programs and services sa PWDs,” ayon kay Taraya.

Ayon sa kaniya, handa ang lokal na pamahaalan na magbigay tulong sa ating PWDs kahit hindi NDPR Week.

“Maski bakong NDPR week, makatao kita nin assistance. May allocation kita para sa medical assistance ng PWDs and senior citizens na dai ninda kaya mashoulder,” dagdag ni Taraya.

 



Tags:

This page is maintained by the Governor's Office - Information Unit