Menu

Emergency Hotline: 0912-670-7777

Philippine Standard Time:

Catanduanes Government

Nakalatag na ang mga proyekto at programang ipapatupad ng administrasyon ni Gov. Joseph C. Cua para sa kaniyang huling termino.

 

Sa ikalawang Ulat sa Lalawigan ng Gobernador nitong ika-25 ng Oktubre, inihayag niya na naglagak ang lokal na pamahalaan ng Catanduanes ng P189 milyon para sa pagpapatupad ng ‘soft programs’ na direktang mabebenipisyuhan ang mga Catandunganon.

 

Naniniwala ang gobernador na ang pagtulong sa kapwa ay walang katumbas na halaga at hindi mawawala o masisira kahit daanan man ng sakuna kung ikukumpara umano sa mga proyektong  imprastraktura.

 

“An satuyang administrasyon an focus iyo an social services. Dae nungka ini malilingawan, dae nungka mauuyag nin anong bagyo. Daog kaini an mga edificio na sementado,” saad ng gobernador.

 

“Padagos na sentro nin sakuyang serbisyo an pagtuwang sa tawo,” dagdag pa nito.

 

MGA PLANONG PROGRAMA’T PROYEKTO

Fifty-seven million pesos ang inilaang pondo ng lalawigan sa COVID-19 response para sa taong 2022. Mayroon din karagdagang P8 milyon na inilagak para sa pagsasaayos at pagpapanatili ng mga equipment sa mga hospitals ng probinsiya.

 

“Sa paagi nin DPWH asin sa tabang ni Cong. Hector Sanchez para maka-lobby nin pondo, by next year, plano mapun-an ang construction nin Evacuation Center na puwede tang gamiton na Quarantine Facility,” dagdag ng gobernador.

 

Itinutulak rin niya ang pagtatatag ng Provincial Mental Health Council na tututok sa mental-health issues sa probinsiya. Hiniling din niya sa harap ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na magpasa ito ng isang ordinansa na magbibigay ng kinakailangang sikolohikal na interbensiyon, asistensiyang medikal, at pangkabuhayan para sa mga pamilya ng suicide victims maging sa mga kababaihan at kabataan na biktima ng pang-aabuso.

 

Target din ng gobernador na maging kauna-unahang probinsiya ang Catanduanes sa buong bansa na maideklara bilang Zero Open Defecation. Kung saan, lahat ng kabahayan sa lalawigan na walang permanente at maayos na palikuran ay popondohan ng lokal na pamahalaan katulong ang United Nation’s Children Fund (UNICEF).

 

“For the third quarter of 2021, we have allocated 5 million, and for the fourth quarter, another 5 million to achieve this vision,” saad ng gobernador.

 

Malugod rin niyang ibinalita na ngayong darating na Nobyembre ay maipapamahagi na ang 200 na tablet mula sa Lokal na Pamahalaan para sa mga estudyante ng Catanduanes State University (CatSU) na walang kapasidad para makipagsabayan sa online learning.

 

Plano rin ng kaniyang administrasyon na gawing eco-zones ang buong probinsiya gaya ng ginawa ng CatSU na ngayon ay aprubado na ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang aplikasyon nito.

 

 

MGA NAPAGTAGUMPAYAN NGAYONG 2021

Nagbalik-tanaw din si Governor Cua sa mga programang napagtagumpayan ng kaniyang administrasyon ngayong taong 2021 sa aspekto ng edukasyon, kalusugan, impraktraktura at social services.

 

Inisa-isa ng lokal na ehekutibo sa kaniyang ulat ang mga programa na sumentro sa pagtulong sa mga Catandunganon gaya ng Medicine and Law Scholarship program; educational assistance para sa mga estudyanteng nasa kolehiyo; assitensiyang medikal sa halos 4, 485 na pasyente sa Eastern Bicol Medical Center (EBMC) sa ilalim ng EBMC Indecency program, at tulong panghanapbuhay para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa bagyo at pandemya sa ilalim ng TUPAD-Tindog Catanduanes program.

 

Nabanggit din niya na nakapag-disburse rin ang kapitolyo nang aabot sa 1.4 million pesos para sa taunang checkup ng mga mahihirap na senior citizens at Persons with Disabilities sa lalawigan sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

 

Nakapamigay na rin ng mga GI sheets sa halos 8000 kabahayan na aabot sa P50 milyon ang halaga ang kapitolyo para sa mga lubhang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo partikular ng Super Typhoon Rolly.

 

Ibinida rin ng lokal na ehekutibo na sa ilalim ng kaniyang administrasyon, mayroon ding mga proyekto sa imprastraktura. Sa katunayan, ngayong taon umabot sa mahigit P168 million ang inilaang pondo para sa pagpapatayo ng mga kalsada, kanal, river control, seawall at maging mga flood control structure.

 

“Asin 142 million pesos man an kinahang tang budget para sa mga repairs and rehabilitation. [Samantala], 25.5 million man po ang kinahang ta sa mga hospital,” dagdag pa ng lokal na ehekutibo.

 

Nakapamahagi rin aniya ang kaniyang opisina ng mga bond paper at Wi-Fi routers para sa mga kabataan at guro na kasalukuyang sumusuong sa modular at online learning modality.

 

 

GOV. CUA SA PUBLIKO: SARO PA LAMANG

Sa pagtatapos ng kaniyang ulat, inihalintulad pa ng gobernador ang kaniyang hiling para sa huling termino sa pangarap ng isang ina sa kaniyang anak na makapagtapos ng pag-aaral.

“Arog nin sarong magurang na gusto mapa-gradwar ang aki, hagad ta man na kita maka-graduate sa pagka-Governor,” saad ng gobernador.

 

“Bago ako maging sarong pribadong siudadano, sa saro pang dalagan, tugutan nindo ako na magserbi pa, gibuhon pang sentro nin serbisyo an satuyang mga tugang, an makatabang… Saro pa lamang,” pagtatapos nito.

 



Tags:

This page is maintained by the Governor's Office - Information Unit