Menu

Emergency Hotline: 0912-670-7777

Philippine Standard Time:

Catanduanes Government

Plano ng Pamahalaang Lokal ng Catanduanes o PLGU na masungkit ang pinakamataas na lebel sa isasagawang Service Delivery Assessment (SDA) ng Department of Social Welfare Office Regional Office V ngayong taon.

Sa isinagawang pagbisita ng DSWD regional officers nitong Marso 9, 2022 sa Tanggapan ng Gobernador, inihayag ni Governor Joseph C. Cua na mas pagtitibayin ng PLGU ang hakbangin para masunod ang mga estratehiyang kinakailangan para sa mas maayos na pagbibigay-serbisyo ng Provincial Social Welfare and Development Office.

Nakipagdiyalago ang gobernador, kasama ang Social Welfare Officer ng probinsiya, Ma. Rosella N. Taraya, sa mga opisyal ng DSWD na pinangunahan ni Ms. Maricel M. Ordinario

Upang mas mapagandaa ng serbisyo at mga programang inihahatid ng PSWDO, kailangan tugunan ang mga indicator ng SDA bilang pagtalima sa Memorandum Circular No. 10 Series of 2018 hinggil sa panuntunan ng probisyon sa Technical Assistance and Resource Augmentation (TARA) sa mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Local Social Welfare and Development Office (LSWDO) at organizational outcome ng DSWD.

Base sa DSWD, isa sa Top 3 ang Catanduanes mula sa anim na probinsya sa Bicol sa isinagawang baseline assessment at service delivery capacity noong 2019.

Matatandaan ding nakamit ng ating probinsiya ang Level 2 grade na nangangahulugang “Better Service Delivery” ng mga programa at serbisyo para sa mga mahihirap at nangangailangang sektor ng lipunan.

“Mahalaga ang ganitong pagsusuri upang masigurong angkop at epektibo ang ating mga ibinibigay na serbisyo sa ating mga mamamayan. Tityakin natin na sa darating na assessment makakamit natin ang highest grade,” ayon kay Gov. Cua.

Sinisiguro ni Cua na patuloy ang Pamahalaang Lokal ng Catanduanes sa pagsisikap at pagpapatupad ng mga programa at serbisyo na makatutulong sa pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan maging sa ekonomiya ng ating bayan upang tuloy-tuloy tayong makabangon sa epekto ng pandemyang dulot ng COVID-19.

 



Tags:

This page is maintained by the Governor's Office - Information Unit