Menu

Emergency Hotline: 0912-670-7777

Philippine Standard Time:

Catanduanes Government

IT’S ABOUT TIME.

Ito ang mungkahi ni Dra. Hazel Palmes sa pagkakaroon ng mga imprastraktura na magagamit ng mga LSIs sa isinagawang PADAC meeting nitong biyernes sa Catanduanes Convention Center.

Nagbigay ng suhestiyon si Dr. Hazel Palmes, Provincial Health Officer,  ang pangangailangan ng probinsya sa isang inprastraktura na nakalaan bilang quarantine facility sa ginanap na  Joint Council Meeting of the Provincial Peace and Order Council (PPOC) at ng Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC)

Sa pagpupulong na dinaluhan ng mga Mayor ng 11 na Munisipalidad at ibang ahensya ng lokal na gobyerno, natalakay ang pagbibigay ng updates sa lagay ng COVID-19 sa isla, mga pasilidad na ginagamit sa ngayon bilang quarantine facilities ng mga Locally Stranded Individuals (LSIs) at Returning Overseas Filipinos (ROFs), kaso ng krimin na naitala sa ilalim ng pagpapatupad ng community quarantine, at ang muling pagpapatibay ng ekonomiya ng probinsiya.

Ayon kay Dra. Hazel Palmes ng Provincial Health Office (PHO), maiging binabantayan ngayon ang lagay ng mga active cases sa kani-kanilang quarantine facilities at patuloy namang mino-monitor ang lagay ng mga ito habang may hinihintay na 27 specimen mula sa Region.

Binigyang punto din ni Dra. Palmes na patuloy ang contact tracing sa mga nkasalamuha ng mga nagpositibo.

Samantala, binuksan din ang usapin sa paggamit ng mga elementary schools bilang quarantine facilities sa probinsiya kasunod ng muling pagbubukas ng klase.

Nangangamba umano sila ngayon kung saan ililipat ang mga LSIs at ROFs na pansamantalang namamalagi sa mga eskwelahan.

“It’s about time na magkaroon na tayo ng infrastructure. Iyong schools, gagamitin na, ‘yung mga hiniram na buildings, gagamitin na, so it’s about time,” suhestiyon ni Dra. Palmes.

Ayon naman kay Mayor Sinforoso M. Sarmiento Jr. ng Virac, ‘Ga-panic po ang LGU Virac sa facility for LSIs…kukulangon an short time para magpagibo, kun may building diyan na dai yagamit, kami na sana an mapaayos para magamit.”

Habang, itinaas naman ang usapin ng kanselasyon ng Virac Airport dala ng pangamba sa virus dahil wala umanong rapid testing sa isla maging ang Cebu Pacific.

Sa isinagawang pulong din ay iprinisenta ni Pco1 Paul F. Abay, Provincial Director, Catanduanes Office (CATPPO), ang kalagayan ng mga Munisipyo na pasok sa drug free municipality at mga munisipyo na mayroon nang Balay Silangan.

Sa nasabing pagtitipon muli ay ipinakita ng kapulisan ang datos ng mga krimen na naitala sa ilalim ng pagpatupad ng community quarantine na ikinumpara sa nakaraang taon.

Sa huli, nabanggit ang pagpapalakas ng ekonomiya ng probinsiya bagama’t may kinakaharap na krisis pangkalusugan sa pamamagitan nang pagpapatibay ng turismo ng bawat munisipyo.



Tags:

Boboy Cua Catanduanes Cua Gov. Joseph C. Cua Governor Joseph Cua Happy Island Joseph Cua PADAC
This page is maintained by the Governor's Office - Information Unit